Thursday, July 13, 2006

Panaghoy

Haplos ng yong kamay sa aking pisngi
Init ng yong halik dulot ay ngiti
Mga yakap mo’ng sing init ng araw
Aking pangarap sa buong magdamag

Sadya bang ganito?
Ang pangarap ng nagungulila
Ako’y litong-lito, at nagdaramdam
Bakit ngayo’y nagiisa at umiiyak

Saan na ang pangako mong pag-ibig
Mga mata’y namumugto habang ang buwan ay sumisilip
Bakit ngayo’y puro dusa at nananangis
Nalimot mo na ba ang nakaraang kay tamis

Ako’y isinumpa ng iyong alaala
Bakit ngayoy ako’y ganito?
Ano bang aking nagawa?
Nasaan ka aking sinta?

Mundo ko’y gumuho
Nang ako’y iwan mo
Mga panahong nagdaan
Hndi malimot at pilit binabalikan

Ako’y alipin pa rin ng yong pagibig
Pagmamahal mo’y hinahanap maging sa panaginip
Pangako mo’y sumpaan nati’y hanggang wakas
Ngunit nasaan na ang pag-ibig mo aking mahal?

Hinahanap hanap ko mga halik at yakap mo
At ang yong mga matang nagniningning
Sa tuwing ika’y ngumungiti
Mga bituin sa langit wari’y nasasabik

Mundo ko’y iyong binuhay
Sa pagibig mong tunay
Nasaan ka na sinta?
Ako ba’y nilimot na?

Mga mata’y hindi mapigil sa pagluha
Simula nang ikaw ay mawala
Pagibig ko ba’y hindi sapat
Bumalik ka na aking sinta

myspace

0 Comments:

Post a Comment

<< Home